Daloy ng trapiko mula Cavite papasok ng Metro Manila, mabigat na ngayong ika-2 araw ng GCQ

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2020 07:31 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Mabigat na ang daloy ng trapiko sa kalsada papasok ng Las Piñas mula sa Bacoor ngayon Martes na ikalawang araw ng general community quarantine.

Ito rin ang daan ng mga papunta ng Metro Manila galing Dasmariñas at Imus.

Napakaraming sasakyan ang papasok at mabagal ang takbo ng mga sasakyan sa Molino Blvd. at Aguinaldo Highway.

Halos lahat ay mga pribadong sasakyan at may ilang mga shuttle naman at bus. May mga nakabisikleta rin at nakamotor.

Isa ito sa mga problematic area na nabanggit ni Metropolitan Manila Development Authority spokesperson Celine Pialago kaya inilunsad rin ngayong araw ang bagong ruta ng bus mula Dasmariñas papuntang heritage hotel sa Pasay.

May 151 umanong bus ang nakatoka sa bagong ruta para matulungan ang mga pasahero na walang masakyan.

--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.