Bilang ng commuter sa Commonwealth Ave mas kaunti ngayong ika-2 araw ng GCQ

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2020 06:51 AM | Updated as of Jun 02 2020 07:04 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Mas kaunti ngayong Martes ang mga commuter sa mga kalsada ng Commonwealth Avenue kumpara sa unang araw ng general community quarantine.

May mga naghihintay pa rin dito sa lugar ngunit kung ikukumpara kahapon hindi kasing dami ang mga tao ngayon.

Karamihan ng mga nasa labas ngayon ay mga nagtatrabaho talaga kumpara kahapon na may ibang lumabas na may mga errands o aasikasuhin kagaya ng kanilang pensyon.

Taxi pa rin ang nakikitang moda ng transportasyon. Mayroon namang mga Point2Point o P2P buses pero kaunti lang.

Ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ay nangakong magbibigay ng 14 na bus na babiyahe ng dalawang ruta.

Una ay mula Novaliches dadaan ng Mindanao Avenue papuntang MRT habang ang isa ay mula SM Fairview dadaang Commonwealth pa-MRT.

--Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.