Home > News Langis ng truck tumagas sa EDSA, 3 motorsiklo sumemplang Nico Bagsic, ABS-CBN News Posted at Jun 01 2023 06:41 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA — Tumagas ang nasa 2 litrong langis ng isang 10-wheel truck sa bahagi ng EDSA-Santolan sa Quezon City, Miyerkoles ng gabi. Papunta sana sa Camp Aguinaldo Gate 6 ang truck para magdeliver ng mga sako ng puting buhangin pasado alas-9 ng gabi. Pero pagdating sa kanto ng Boni Serrano Avenue, pumutok umano ang power steering ng truck kaya tumagas ang langis sa kalsada. Ayon sa driver ng truck, maayos naman ang truck nang inspeksyunin bago bumiyahe mula Porac, Pampanga. "Pag-stop, pumreno, biglang bumagsak yung steering box ko. Pagbagsak, tumulo yung langis. Yun ang nangyari. Di mo pwedeng hindi itsi-check sa haba ng tinatakbo ng truck eh. Talagang bumagsak lang talaga siya kasi ginagamit," ayon sa driver. Dahil sa insidente, sumemplang ang 3 motorsiklong nadulas sa langis na nagkalat sa kalsada. Nagtamo ng sugat sa tuhod ang isa sa mga rider, ayon sa rumespondeng Metropolitan Manila Development Authority personnel. Isinara pansamantala sa mga motorista ang isang lane sa ilalim ng Santolan flyover southbound dahil sa insidente. Tinambakan na ng mga rumespondeng MMDA ang tumagas na langis ng kusot. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: EDSA Santolan Quezon City langis