PatrolPH

Tumatagas na pipeline ng Maynilad sa QC, inirereklamo

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2021 09:18 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Ilang buwan nang perwisyo para sa mga residente at motoristang dumadaan sa Barangay N.S. Amoranta sa Quezon City ang binungkal na kalsada ng tumatagas na pipeline ng Maynilad.

Nakahambalang ang tumatagas na pipeline sa kanto ng A. Bonifacio Avenue at Balindang Street sa naturang barangay.

Isa’t kalahating lane ng kalsada ang sinasakop ngayon ng sirang pipeline. 

Bukod pa sa obstruction ito sa kalsada, ilang aksidente na rin ang nangyari dahil hindi masyadong kita ng mga motorista tuwing gabi ang mga barrier sa kalsada lalo na’t walang warning sign at madilim sa lugar.

Simula pa buwan ng Abril inirereklamo na ng mga residente ang sirang water pipeline ng Maynilad at anim na aksidente na ang naiulat dahil doon.

- TeleRadyo, 1 Hunyo 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.