Sunog sumiklab malapit sa Kalayaan Avenue

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2020 09:10 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Sumiklab ang sunog sa isang residential area malapit sa Kalayaan Avenue sa Barangay Pinagkaisahan, Makati nitong Lunes, unang araw ng general community quarantine sa Metro Manila.

Umabot ito sa ikalawang alarma, ang ikalawa sa pinakamababang lebel, bago ideklarang kontrolado alas-7:52 ng umaga.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.