Remote enrollment ipatutupad ng DepEd

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2020 10:06 AM | Updated as of Jun 01 2020 10:32 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Pinaalalahanan ng Department of Education ang mga magulang na manatili sa kanilang bahay ngayong Lunes, unang araw ng enrollment at ng general community quarantine sa Metro Manila.

"Completely remote enrollment po tayo," ani DepEd Undersecretary at spokesperson Nepomuceno Malaluan.

Ang mga magaaral na nasa listahan ng DepEd ay kokontakin ng mga guro habang magbibigay ng anunsyo sa susunod na araw ang ahensiya sa mga wala pa rito, dagdag ni Malaluan.

Maging ang mga guro ay inatasang mag-work from home, aniya.

Nakatakda ang unang araw ng pagbabalik-eskuwela sa Agosto 24.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.