PNR nag-abiso sa mga pasaherong agahan ang alis sa bahay dahil sa rules vs virus

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2020 11:04 AM

Watch more News on iWantTFC

Inabisuhan ng Philippine National Railways ang mga pasahero nito, Lunes, na agahan ang alis sa kanilang mga tahanan at asahan ang mas mahabang pila sa mga istasyon dahil sa mga patakaran para pigilan ang pagkalat ng novel coronavirus. 

Magkakaroon lamang ng 56 na biyahe ang railway ngayong araw at wala pang 200 ang pasaherong papayagan sa kada na tren na dati'y nagsasakay ng 750 hanggang 1,000, ani PNR Spokesperson Joseline Geronimo. 

"Agahan po sana nila iyong pag-alis sa kanilang mga tahanan kasi kailangan po nilang pumila," sabi niya sa panayam sa ABS-CBN TeleRadyo. 

"We will see and evaluate after this day kung ilan ang kailangan pa naming idagdag [na biyahe]," dagdag niya. 

Panoorin dito ang buong panayam ng DZMM sa opisyal. 

DZMM, Hunyo 1, 2020