Home > News Radio broadcaster, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem ABS-CBN News Posted at May 31 2023 09:22 AM | Updated as of May 31 2023 06:23 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA -- Isang radio broadcaster ang patay matapos mabaril ng riding-in-tandem sa Calapan City, Oriental Mindoro. Magbubukas sana ng kanyang tindahan sa C5 Road, Barangay Sta. Isabel ang biktimang si Chris Bonduquin bandang 4:30 a.m. nitong Miyerkules nang pagbabarilin ng riding-in-tandem. Kaagad na namatay ang biktima sanhi ng dalawang tama ng bala sa kanyang dibdib. Nakatakas ang drayber ng motorsiklo. Si Bonduquin ang may-ari ng MUX online radio sa Calapan City, at host ng programang "Balita at Talakayan." May programa din siya sa DWXR 101.7 Kalahi FM. Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Calapan City Police. --ulat ni Noel Alamar Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: radio braodcaster media killings Calapan City Oriental Mindoro press freedom