Home > News Higit 500 baboy sa Zamboanga City, pinatay dahil sa ASF ABS-CBN News Posted at May 31 2022 06:24 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA — Inilagay sa "red zone" ang 5 barangay sa Zamboanga City matapos tamaan ng African swine fever, ayon sa city veterinary office. Ayon kay assistant city veterinarian Dr. Arnedo Agbayani, ito ang mga barangay Manicahan, Bunguiao, Curuan, Vitali at Mangusu. Nasa 524 na baboy ang pinatay para hindi na kumalat ang sakit. Apektado rito ang 133 hog raisers. "Bahagi ng protocol natin na within 500-meter radius dun sa infected area, kailangan po natin i-depopulate," aniya sa panayam sa TeleRadyo Martes. Nagbigay na ang lokal na pamahalaan ng food assistance sa mga apektadong magbababoy. Pinoproseso na rin ang indemnification payout sa mga apektadong hog raisers kung saan makakatanggap sila ng P2,500 sa kada pinatay na baboy. Nagsagawa na rin ng iba pang containment measures gaya ng control at surveillance ang mga awtoridad para hindi pa kumalat ang ASF sa siyudad. 9 barangays in Zamboanga barred from supplying pork over ASF fears Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Kabayan, Tagalog news, Regional news, Regions, Zamboanga City, ASF, African swine fever Read More: TeleRadyo Kabayan Tagalog news Regional news Regions Zamboanga City ASF African swine fever hogs pigs baboy culling