Van, sumalpok sa concrete barrier; 2 sugatan

ABS-CBN News

Posted at May 31 2017 12:13 PM | Updated as of May 31 2017 01:39 PM

Watch also in iWantTFC

Dalawa ang sugatan matapos bumanga ang minamanehong van sa hilera ng mga concrete barrier sa Commonwealth Avenue sa bahagi ng Barangay Old Balara sa Quezon City. 

Naisugod sa Malvar Hospital ang driver ng puting van na si Vicente Petilos na nagtamo ng sugat sa ulo. Maging ang misis ng driver na si Hasmin Petilos ay dinala rin sa ospital pero conscious naman ito.

Ayon sa Bantay Bayan ng Barangay Old Balara na unang rumesponde sa aksidente na si Richard Javentorina, mabilis umano ang takbo ng van na may conduction sticker na OV 2842 sa eastbound lane ng Commonwealth nang bumangga ito sa concrete barrier ng ginagawang MRT 7. 

Paglapit niya sa driver ay amoy alak umano ito.

Sa lakas nang pagkabangga ay nabasag ang windshield ng van matapos humampas dito ang mukha ng misis ng driver ng van. – Umagang kay Ganda, 31 May 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.