Lalaki sugatan matapos barilin sa loob ng kotse sa Marikina

ABS-CBN News

Posted at May 31 2017 10:42 AM | Updated as of May 31 2017 10:48 AM

Watch also in iWantTFC

Sugatan ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa loob ng kanyang kotseng nakapara sa tapat ng isang convenience store sa Marikina, Miyerkoles. 

Ayon sa isang testigo, ala-1:30 ng umaga nang bumili ang biktima sa tindahan bago bumalik sa kanyang kotse. 

Kasunod nito, pinagbabaril aniya ang biktima ng salaring nakasakay naman sa isang puting Honda. 

Nagtamo ang lalaki ng mga tama ng bala sa tiyan at isinugod sa Amang Rodriguez Hospital.

Hindi bababa sa 19 na basyo ang nakuha sa crime scene.

Inaalam na ang posibleng motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng salarin. 

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, May 31, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.