Home > News DOE naglatag ng programang pwedeng ipatupad ng papasok na admin ABS-CBN News Posted at May 30 2022 01:00 PM | Updated as of May 30 2022 01:18 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA — Inilatag ng Department of Energy ang mga programa nito ukol sa kuryente at gasolina na puwedeng ipatupad ng susunod na administrasyon. Ayon kay Energy Undersecretary Benito Ranque, ang mga planong ito ay makatutulong upang mapababa ang singil sa kuryente at presyo ng gasolina. Una, doblehin ang existing lifeline rate sa Metro Manila para makatulong sa marginalized consumers, aniya. Ang lifeline subsidy ay ibinibigay sa mga low income users na gumagamit nang hindi bababa sa 100 kilowatts kada buwan. Pangalawa, mag-renegotiate ng mga kontrata ang DOE sa mga independent power producers. "May mga planta na luma na. Hanggang ngayon, bawi na sila, hindi pa rin nagbaba ng presyo. Parang bago pa rin ang kanilang presyo," ani Ranque sa panayam sa TeleRadyo ngayong Lunes. Pangatlo, ibigay direkta sa mga electric cooperatives ang Agus-Pulangi Hydropower Complex para mapababa ang presyo ng kuryente sa Mindanao. Plano rin ng ahensiya na suspendihin ang Biofuels Act of 2006 na nagpapataw ng dagdag na gastos na ipinapasa sa mga konsumidor dahil sa biofuel component nito. Posibleng bababa sa P3.26 kada litro ng gasolina at 1.40 kada litro ng diesel, aniya, kung maipatupad ito. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog News Read More: TeleRadyo Kabayan Department of Energy DOE Benito Ranque gasolina fuel diesel kuryente electricity power power rate fuel price presyo ng gasolina consumers