Home > News Lalaking nagmaneho sa passenger's seat, posibleng habambuhay tanggalan ng lisensya ABS-CBN News Posted at May 30 2019 09:19 AM Share Save Facebook Twitter LinkedIn Watch also in iWant or TFC.tv Posibleng habambuhay na tanggalan ng driver's license ang isang lalaking nag-viral sa social media nang magmaneho mula sa passenger's seat ng sasakyan, sinabi ng Land Transportation Office. Hindi sumipot ang motoristang si Miko Lopez sa imbestigasyon ng Land Transportation Office ukol sa insidente nitong Miyerkoles, ayon sa law enforcement director ng ahensya na si Francis Almora. "Noong hindi po siya dumating, kino-consider na po nating waiver sa kaniyang karapatan na mabigyan ng pagkakataon para marinig," aniya sa panayam ng DZMM. In-upload ni Lopez sa social media ang video ng kaniyang pagmamaneho mula sa passenger's seat. Ilan pang video ang nahanap ng ahensya na nagpapakita kay Lopez na nagmamaneho nang nasa 200 kilometers per hour ang bilis, at nagtanggal ng steering wheel ng sasakyan, ani Almora. Maikokonsidera aniya ang mga naturang insidente bilang reckless imprudence at illegal modification. "Baka po sa mga ginawa n'ya, baka magkakaroon po s'ya ng habambuhay na puwede pong tanggalan ng lisensya," sabi ng opisyal. Ilalabas ng LTO law enforcement division sa susunod na linggo ang rekomendasyon ng parusa laban kay Lopez. DZMM, May 30, 2019 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Save Facebook Share on Twitter LinkedIn DZMM, tagalog news, LTO, traffic, viral, social media Read More: DZMM tagalog news LTO traffic viral social media