Landslides sa mga bahagi ng Luzon; pagbaha sa Maguindanao

ABS-CBN News

Posted at May 30 2017 10:30 PM

Watch also in iWantTFC

Lima ang patay habang dalawa ang sugatan sa pagguho ng lupa sa Puerto Princesa City, Palawan, kasunod ng dalawang araw na malakas na pag-ulan. 

Apektado naman ng baha ang higit sa 3,000 pamilya sa Kabuntalan, Maguindanao dhail sa patuloy na pag-ulan dulot ng frontal system. 

Sa Ifugao naman, natabunan ang isang van matapos gumuho ang lupa rito. Sarado na rin ang tatlong kalsada ng Cordillera dahil sa landslide. Nagpa-Patrol, Rex Ruta. TV Patrol, Martes, 30 Mayo 2017