Grupo sa Kongreso gusto ng joint session sa martial law

ABS-CBN News

Posted at May 30 2017 11:38 PM

Watch also in iWantTFC

Naghain ng joint resolution ang MAKABAYAN bloc para mag-joint session ang Kongreso at magbotohan para ibasura ang martial law.

Inaprubahan naman na ng Senado ang resolusyon na sumusuporta sa idineklarang batas militar sa Mindanao. Sa ginawang botohan ngayong hapon, 17 senador ang bumoto pabor sa Senate Resolution 388, habang limang senador ang tumutol. Nagpa-Patrol, RG Cruz. TV Patrol, Martes, 30 Mayo 2017