Home > News Lalaki patay matapos magulungan ng truck sa Rizal Nico Bagsic, ABS-CBN News Posted at May 29 2023 07:12 AM | Updated as of May 29 2023 08:23 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Watch more News on iWantTFC Patay ang isang lalaki matapos magulungan ng dumadaang 12-wheel truck sa Mabini Street, Rodriguez, Rizal. Base sa imbestigasyon ng Rodriguez Municipal Police Station, lasing umano ang biktimang 20 taong gulang na lalaki, nang magulungan ng truck. Ayon sa salaysay ng kasama ng biktima, lasing na umano sila ng karbarkada nang magkainitan sa labas ng isang bar. Nauwi ito sa suntukan at nang tamaan ang biktima sa mukha ay bumulagta na lang ito sa kalsada. Hindi naman nila napansin ang padaang truck at nagulungan nito ang biktima. Galing Porac, Pampanga ang truck at magdedeliver lang sana sa Rodriguez Rizal ng gabing iyon. Ayon naman sa may-ari ng bar na tumanggi nang humarap sa camera, hindi na nila pinapasok sa loob ng bar ang biktima at suspek pati ang 1 pa nilang kasama dahil halatang nakainom na ang mga ito. Nagulat na lamang sila nang mag-away ang suspek at biktima. Aminado naman ang may-ari ng bar na accident prone ang lugar. Dahil menor ang suspect, nasa kustodiya na ito ng Municipal Social Welfare ng Rodriguez, Rizal. Nahaharap ang driver ng trak sa reklamong reckless imprudence resulting to homicide. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber PatrolPH, Tagalog news, TV Patrol Read More: PatrolPH Tagalog news Rodriguez Rizal aksidente truck reckless imprudence homicide