PatrolPH

Barko ng Philippine Navy balik biyahe matapos masunog ang engine room

ABS-CBN News

Posted at May 28 2020 11:17 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Balik na ulit sa biyahe ang BRP Ramon Alcaraz ng Philippine Navy matapos maantala ang misyon nitong pagsundo ng mga Pilipino sa India nang masunog ang engine room nito noong Mayo 7.

Ayon sa Philippine Navy, naayos na ang nasunog na main engine room ng barko kaya mula sa Cochin, India, pumalaot na ulit at patungo naman sa Sri Lanka para sunduin ang mga stranded na Pinoy doon.

Kasamang bumibiyahe ng BRP Ramon Alcaraz ang BRP Davao del Sur na kapwa dadaong muna sa Port of Colombo, Sri Lanka sa Biyernes para isakay ang 12 pang mga Pinoy na turista at mga migrant workers na na-stranded doon dahil sa COVID-19.

Makakasama nila ang 19 na Filipino mula sa India na nasa BRP Davao del Sur at magdamag na minomonitor ng medical team ng Philippine Navy.

Umalis sa Maynila ang BRP Davao del Sur noong Mayo 9 at nakarating na sa Sri Lanka nang mapilitan itong bumalik sa India dahil sa sama ng panahon sa Bengal at Andaman Sea.

--Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.