2 bahay winasak ng buhawi sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at May 28 2020 10:39 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Wasak ang 2 bahay habang napinsala ang 13 iba pa sa pagtama ng buhawi sa 2 barangay sa Bago City, Negros Occidental nitong Martes ng hapon.

Ayon kay Mary Jane Ortizo ng city disaster risk reduction office, naramdaman ng mga residente ng Barangay Atipuluan ang malakas na hangin bandang alas-2 ng hapon bago nanalasa at masira ang 13 bahay.

Dalawang bahay naman sa Barangay Ma-ao ang nawasak.

Bibigyan ng tig-P10,000 ang mga pamilyang nawasak ang bahay habang tig-P5,000 bawat sa pamilyang napinsala ang bahay.

Bibigyan din ng city social welfare development ng ayudang pagkain ang mga pamilyang apektado.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.