PatrolPH

Mga mayayaman dapat may malaking ambag sa buwis, ayon sa tax expert

ABS-CBN News

Posted at May 27 2022 04:34 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Kung sino ang mayayaman ay sila dapat ang may malaki ang ambag sa buwis at ang mga mahihirap na mamamayan ang dapat na may exemption, ayon sa isang tax expert.

Ayon kay Mon Abrea, isang tax professor, hindi maganda na magsimula agad ng buwis sa pagsisimula ng bagong administrasyon, at dapat na pag-aralan kung ano ang nangyari sa tax reform na iiwanan ng Duterte administration.

Hindi umano dahilan na magbigay ng dagdag na buwis upang mabayaran ang P12.6 trillion na utang ng bansa. Ani Abrea, dapat na aralin mabuti kung saan napunta ang inutang na P12.6 trillion.

Saad niya, malinaw sa pag-aaral na may P1 trilyong na nawawala dahil sa corruption at hindi nagagamit na budget.

Dapat umano magkaroon ng recovery plan ang gobyerno upang matulungan ang mahihirap at maliliit na negosyo. – SRO, TeleRadyo, Mayo 26, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.