PatrolPH

Halos 130,000 drayber nakatanggap na ng fuel subsidy

Anna Cerezo, ABS-CBN News

Posted at May 27 2022 09:23 AM

Watch more News on iWantTFC

MANILA - Nasa proseso pa rin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pamamahagi ng fuel subsidy sa mga drayber ng public utility vehicle.

Base sa huling update, nasa 129,782 units na ang nakatanggap ng P6,500 na fuel subsidy. Katumbas nito ang higit P840 million.

Ayon sa grupong Piston, sa 40,000 na miyembro nila sa Metro Manila, sampung porsyento pa lang ang nabigyan ng fuel subsidy.

Sabi ng drayber na si Ricardo Bautista, malaking tulong ang fuel subsidy sa gitna ng pagsipa ng presyo ng diesel. 

Sumatotal, nasa 264,578 beneficiaries ang nasa ilalim ng programa ng LTFRB, habang mayroong 27,777 delivery service beneficiaries ng fuel subsidy sa ilalim ng Department of Trade and Industry.

--TeleRadyo, 27 May 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.