Home > News Grade 10 student tinangkang dukutin ng 2 lalaki sa Las Piñas ABS-CBN News Posted at May 27 2022 06:34 AM | Updated as of May 27 2022 08:32 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA – Nakaligtas sa kamay ng mga umano’y kidnapper ang isang 15-anyos na babaeng estudyante sa Las Piñas City. Ayon sa SPD, nangyari ang insidente sa harapan ng isang pawnshop sa Marcos Alvarez Ave., Barangay Talon 5 sa lungsod. Sinalaysay ng Grade 10 student na napansin niya ang isang sasakyan lulan ng kalalakihan na nakaparada sa lugar Maya-maya isa umano rito ang humila sa kaniya at sapilitan umanong pinsasakay sa sasakyan. Narinig pa umano ng biktima ang isang lalaking nagsabing "pumasok ka sa loob kun'di, babarilin kita". Pero lumaban ang estudyante at nakapiglas sa suspek. 2 Chinese, 1 Pinoy rescued from alleged kidnap for ransom May concerned motorcycle rider rin na nakakita sa insidente na lumapit kaya dali-daling lumayo ang sasakyan sa direksyon patungo ng Moonwalk. Inaresto ang dalawang salarin sa magkasunod na followup operation matapos ma-trace ang plaka. Nakumpiska sa kanila ang isang sling bag na may lamang granada at isang .357 magnum revolver na baril na may kargadong bala. Hindi pa alam ang motibo sa tangkang pagdukot. Mahaharap ang mga suspek sa reklamong kaugnay sa attempted abduction pati na rin sa paglabag sa illegal possession of firearms and possession of explosive. – Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News Watch more News on iWantTFC Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, TV Patrol, TV Patrol Top Read More: Las Piñas City kidnapper estudyante SPD