Home > News Bagong buwis dapat sa middle class, pataas lang: TUCP ABS-CBN News Posted at May 27 2022 10:40 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MANILA – Tutol ang mga manggagawa sa panukala ng Department of Finance na pagpapataw ng mga bagong buwis para mabayaran ang utang panlabas ng Pilipinas. DOF pushing new taxes, wider VAT, halt to income-tax deductions to pay high debt “Hindi kami muna papabor dyan sa mga ganyang panukala dahil ang laki ho talaga ng impact ng inflation at nung giyera sa Ukraine, kung kaya’t ang laki po ng ibinawas dito sa minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila,” ani Alan Tanjusay ng Trade Union Congress of the Philippines. Aniya, maliit na lang ang suweldo na naiuuwi ngayon ng mga manggagawa. “Dahil nga napakataas ng mga bilihin at halaga ng mga serbisyo, yung take home pay na, halimbawa ang sahod niya ay nasa P13,000 ano, ang kanyang take home ay nasa P10,000 na lamang kada buwan,” paliwanag niya. Ayon kay Tanjusay, hindi na dapat patawan ng pamahalaan ng bagong buwis ang mga mahihirap. “Siguro ang panibagong mga taxes na nais ipatupad ng incoming administration ay dapat mag-focus doon sa mga middle class pataas na mga kababayan natin at hindi talaga kakayanin na dito sa mga class D and E o yung mga minimum wage earner at yung mga informal workers.” Dagdag pa niya, dapat munang maikapga-usap ang pamahalaan sa mga manggagawa bago magpataw ng bagong buwis. --TeleRadyo, 27 May 2022 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber buwis, taxes, minimum wage, workers, laborers, minimum wager earners, tax Read More: buwis taxes minimum wage workers laborers minimum wager earners tax