Graduates sa Navotas, may cash mula sa pamahalaan

ABS-CBN News

Posted at May 27 2020 11:37 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Hindi man nakaakyat ng stage para sa kanilang graduation, makatatanggap naman ng cash incentive mula sa kanilang lokal na pamahalaan ang mga estudyanteng nagtapos sa Navotas City. 

Nasa 6,000 graduates ang makakatanggap ng cash incentives mula sa mga pampublikong paaralan sa lungsod para sa school year 2019-2020, sabi ng local government.

Makakakuha ng P500 ang Grade 6 graduates, P1,000 sa mga Grade 12 graduates, at P1,500 sa mga nagtapos sa Navotas Polytechnic College.

Para sa schedule ng pamamahagi ng cash incentive, maaaring i-check ang social media account ng Navotas local government o makipag-ugnayan sa mga barangay official.

Para sa mga menor de edad na estudyante, maaaring magulang o guardian ang pumunta, ayon sa city government. Magdala lamang anila ng authorization letter na pirmado ng estudyante, photocopy ng school ID o birth certificate at photocopy ng kahit anong valid ID ng kinatawan.

Dapat anilang may dala ring home quarantine pass at nakasuot ng face mask ang pupunta. Hinihikayat din na magdala sila ng rubbing alcohol at sariling ballpen. 

DZMM, Mayo 20, 2022 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.