PatrolPH

P7.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Malolos

ABS-CBN News

Posted at May 26 2022 06:24 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA – Nasa P7.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa lungsod ng Malolos, Bulacan.

Sanib-pwersang nagsagawa ng controlled delivery operation ang Bureau of Customs at PDEA sa Malolos, matapos maharang ang isang parcel na naglalaman ng ilegal na droga sa NAIA.

Inaresto nila ang consignee o may-ari ng nasabing package na galing umano ng Laos at nakadeklara bilang isang water purifier.

Lumitaw sa physical examination ng package na nakasilid sa loob ng mga water filter ang mga hinihinalang shabu na may bigat na 1,092 gramo.

Kasalukuyang nakadetena sa opisina ng PDEA ang may-ari ng package na mahaharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization Act. – Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.