PatrolPH

Marahas na dispersal ng protesta sa CHR kinondena

ABS-CBN News

Posted at May 26 2022 06:44 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Ang sana ay isang payapang kilos-protesta ay nauwi sa marahas na dispersal sa pagitan ng mga aktibista at pulisya sa harap ng opisina ng Commission on Human Rights sa Quezon City Miyerkoles.

Inalmahan ng mga militanteng grupo at mga aktibista ang naging marahas na dispersal na ito ng mga pulis.

Hindi pa man nakakalabas ng lote ng CHR ay binarikadahan na ng mga pulis ang labasan ng ahensiya.

Dala-dala ang kanilang mga shield at batuta, pinalibutan ng mga ito ang bahagi ito ng Commonwealth Avenue. Gumamit din ng water canon sa pag-disperse sa mga nagprotesta.

Ito ay ikinasa ng iba't ibang sektoral groups para tutulan ang umano’y maruming halalan kung saan pinroklama si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo sa Kongreso.

Ayon sa peasant women group na Amihan, mariin nilang tinututulan ang marahas na dispersal na tila patikim pa lang sa kontra-demokrasyang pamumuno ni Marcos.

Ito rin ang sentimiyento ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ast Anakpawis. Anila, mistulang martial law na at bawal na ang mga mapayapang pagpapahayag.

Dagdag pa ng KMP, hindi sila yuyuko sa tiranya at opresyon ng malayang pagpoprotesta at patuloy ang mga grupo nila na magsasagawa ng mga pagkilos.

Naglabas ng pahayag ang QCPD sa nangyaring dispersal sa labas ng CHR. Naga-kusa si QCPD Director Remus Medina na tinangka ng mga grupo na ilegal na okupahin ang bahagi ng Commonwealth Avenue. – Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.