PatrolPH

Magnanakaw ng laptop tiklo sa tulong ng Find My app

ABS-CBN News

Posted at May 26 2022 07:40 AM

Watch more News on iWantTFC

Sa tulong ng Find My app, nahuli ang isang suspek na nagnakaw ng laptop sa Antipolo at tinangkang ibenta ito sa Maynila. 

Modern technology ang naging susi sa pagkakatunton at pagkakadakip sa suspek sa insidente ng basag kotse sa Antipolo.

Partikular na teknolohiya na tinutukoy ng pulisya ang CCTV at GPS ng laptop na ninakaw ng salarin.

Nakuhanan ng CCTV sa Antipolo ang pag atake ng mga dayong suspek sa isang SUV na naka parada sa isang parlor sa lugar.

Nakuha ng mga suspek ang laptop ng biktima. 

Nalaman naman ng biktima ang lugar kung nasaan ang ninakaw na laptop gamit ang “Find My” app.

Sa CCTV naman sa Tayuman, Maynila nakuhanan ang suspek at kasabwat nito na nagpapalitan ng mga ninakaw nilang gamit.

Nang positibong makilala ng biktima ang bag at laptop nagsumbong na ang biktima sa mga pulis sa Tayuman.

Ang PCP Commander naman ng Tayuman mabilis na nakipag ugnayan sa hepe ng Antipolo. Agad nilang ikinasa ang joint follow up operation.

Nagsagawa ng back tracking ang Antipolo PNP habang ang Tayuman PCP sinurveillance at pinostehan na ang bawat “ping location” ng suspek.

Nang huminto na ang “ping” ng lokasyon dito na nag abang ang operatiba at nang makahanap ng tiyempo dito na nila inaresto ang suspek.

Base sa mga CCTV footage tugma ang motor at diskripsyon ng suspek.

Sa dami ng lokasyon kung saan nagpi “ping” at humihinto ang suspek tingin ng otoridad tinatangka nang ibenta ng suspek ang laptop.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.