Home > News Tindero ng isda na nakulong dahil walang quarantine pass, balik-trabaho na ABS-CBN News Posted at May 26 2020 08:18 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Balik trabaho na ngayong Martes ang isang tindero sa Navotas matapos makulong ng 11 araw dahil walang quarantine pass. Nakulong noong Mayo 7 si Dodong Jimeda matapos masita ng mga pulis dahil walang quarantine pass para makatawid mula sa kanyang bahay sa Caloocan papunta ng Navotas Fish Port kung saan kukuha sana siya ng paninda. Fish vendor sa Caloocan na ikinulong dahil walang ID, travel pass nakalaya na Aabot na sa 30 taon na nagtatrabaho bilang isang construction worker at dahil nga matanda na at hindi na kaya ang ganoong klase ng trabaho ay pinili na lamang magtinda ng isda para mabuhay ang kanyang asawa at anak. Tumulak muli papunta ng Navotas fish port si Jimeda pero hindi na siya hinarang ng mga guard dahil binigyan na siya ng temporary permit ng kanyang supplier. --Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Tagalog News, fish vendor, tindero, Navotas, COVID-19, coronavirus, quarantine pass Read More: Tagalog News fish vendor tindero Navotas COVID-19 coronavirus quarantine pass