Ilang paaralan sa Iligan, ginawang pansamantalang evacuation center

ABS-CBN News

Posted at May 27 2017 04:19 AM | Updated as of May 27 2017 04:24 PM

Watch also in iWantTFC

(UPDATE)Tuloy pa rin ang pagbubukas ng klase sa June 5 sa Mindanao sa kabila ng deklarasyon ng martial law.

Nilinaw ng Department of Education (DepEd na walang magiging pagbabago sa ngayon, Maliban na lang kung mabago ang assessment sa lugar na may kaguluhan.

Sa ngayon, ginagamit bilang evacuation center ang Iligan School of Fisheries, may 39 na pamilya ang pansamantalang nanunuluyan doon.

Pero unti-unti na rin silang nililipat sa mas angkop na evacuation center.

Ayon sa DepEd, hindi maaaring gamiting evacuation centers ng mga nagsilikas na residenteang ibang paaralan dahil kailangan pa ring magkaroon ng sapat na silid-aralan ang mga estudyanteng magbabalik-eskuwela.

Sa Mindanao State University (MSU) Iligan Insititute of Technology naman, patuloy na dumarating ang mga na-rescue na estudyante ng MSU sa Marawi. Nanawagan naman ang Deped na 'wag sanang idamay ang mga paaralan sa karahasan, at gawin itong zone of peace.

Ulat ni Bettina Magsaysay, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.