PatrolPH

P3.4-M halaga ng hinihilalang shabu nasabat ng PDEA sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at May 25 2022 06:46 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Nasa P3.4 milyong halaga ng umano'y shabu ang nasabat sa isang buy-bust operation sa Pasay City.

Ayon sa PDEA, kinasa ang operasyon sa kahabaan ng Pacific Drive sa Barangay 76 kung saan nakipag-kasundo ang 28-anyos na suspek na makipagkita sa pulis na nagpanggap na buyer ng ilegal na droga.

Agad inaresto ang lalaki matapos magpositibo ang transaksyon.

Nakuha mula sa suspek ang isang selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu na aabot sa kalahating kilo. Nakuha rin sa suspek ang isang coaster.

Inihahanda na kaso sa suspek kaugnay sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.—Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.