PatrolPH

Higit P150,000 halaga ng marijuana nasabat sa QC; 3 timbog

ABS-CBN News

Posted at May 25 2022 06:45 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Higit P150,000 halaga ng umano'y marijuana ang nasabat ng mga awtoridad mula sa tatlong suspek sa Quezon City nitong Miyerkoles.

Alas-4 ng madaling araw nang ikasa ng Galas Police Station ang buy-bust operation sa kanto ng Bayani at Batanes Street sa Brgy. San Isidro.

Nang magpositibo ang transaksyon sa ilegal na droga ay agad inaresto ng nga awtoridad ang mga suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang apat na bulto ng marijuana brick at dried leaves na higit kumulang 1.285 kilo at tinatayang nagkakahalaga ng P154,200.

Nahaharap sa paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek na, nagsisisi na umano dahil sa kanilang pagkaka-aresto.—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.