PatrolPH

HULI SA CCTV: Mga binatilyo nagrambol sa Sta. Cruz, Maynila

Karen De Guzman, ABS-CBN News

Posted at May 24 2023 07:18 AM

Watch more on iWantTFC

Nagrambol ang 2 grupo ng mga kabataan sa Tambunting Street sa Sta. Cruz, Maynila. 

Sa kuha ng CCTV, makikita ang 5 kabataan na na tila may inaabangan sa kanto ng kanilang barangay. Sumunod naman sa kanila ang 9 pang menor de edad. 

Ilang saglit lang, nagsitakbuhan ang mga ito nang lusubin sila ng isa pang grupo na may mga hawak na pamalo at kahoy. 

Dito na nagsimulang magbatuhan ng mga bote, bato, at kahoy ang mga binatilyo.

Ayon sa nakakita sa pangyayari, may dala pang pen gun umano ang mga kabataan. 

Naalarma naman ang mga residente ng Barangay 373 lalo’t ito na ang ika-4 na magkasunod na rambulan ng naturang mga kabataan sa kanilang lugar. 

Humihingi naman ng kooperasyon ang barangay sa mga magulang para mapagsabihan at madisiplina ang kanilang mga anak bago pa tuluyang may masaktan sa kaguluhan. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.