Home > News Hinihinalang marijuana hash oil nadiskubre umano sa isang package sa Clark ABS-CBN News Posted at May 24 2022 06:37 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA – Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang isang package matapos mahuling may laman ito ng ilegal na droga sa Clark, Pampanga. Ayon sa paunang ulat mula sa BOC nitong Lunes, unang nakadeklarang mga tsaa o drinking tea ang package, pero nang sumailalim ito sa x-ray scanning at physical examination ay napag-alamang may mga bote pala ito ng mga marijuana hash oil o tetrahydrocannabinol. Tatlong bote ng hash oil ang nakumpiska ng BOC na nagkakahalaga ng higit P216,000. Positibong nadetect ang nasabing droga sa sample na kanilang kinuha mula sa mga bote na galing umano ng galing California. P55-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Caloocan Arestado ang claimant ng nasabing package at kakasuhan siya ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: marijuana marijuana hash oil tetrahydrocannabinol Clark Pampanga Bureau of Customs BOC California US drugs