PatrolPH

Walang dapat ikabahala sa pagtaas ng COVID-19 cases: healthcare expert

ABS-CBN News

Posted at May 24 2022 12:55 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Kamakailan ay nagtala ng 10 porsyentong pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa kumpara noong nakaraang linggo, kung kelan naganap ang halalan.

Ayon kay Dr. Aileen Espina, committee member ng Health Care Professionals Alliance COVID-19, wala dapat ikabahala sa pagtataas ng kaso ng COVID-19 dahil patuloy ang isinasagawang monitoring ng Department of Health sa mga lugar na may matataas na kaso.

Walang nakikitang "sudden surge" 14 na araw matapos ang mga ganap noong Halalan 2022, aniya.

Pero saad niya, bumababa ang testing rate sa bansa kahit na available na sa mga botika ang mga rapid test kits.—SRO, TeleRadyo, Mayo 23, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.