PatrolPH

Mga nakaligtas sa nasunog na ferry sa Quezon inalala ang trahedya

ABS-CBN News

Posted at May 24 2022 06:39 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Naasikaso na ang burol ng mga nasawi sa pagkasunog ng MV Mercraft 2 sa bayan ng Real, Quezon at ang iba sa kanila ay nakatakdang iuwi ngayong Martes sa isla ng Polilio.

Hindi pa rin maalis sa isip ng survivors ang kanilang pinagdaanang hirap para lang makatakas sa nagliliyab na barko.

Kuwento nila ay nakarinig sila ng pagsabog. Kasunod ay nakita na lamang nila ang unti-unting paglaki ng apoy at usok kaya kahit sinabihan na huwag daw silang mag-panic ay kaniya-kaniya na silang hanap ng paraan para makaligtas.

Hindi pa malinaw sa ngayon kung papaano nagsimula ang apoy, habang nasa tabing-dagat na sa may Baluti island ang ferry na tupok na tupok.

Inaasahang magsisimula na rin gumulong ang imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng apoy. – Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.