Home > News Imbestigasyon sa nasunog na ferry, maaring umabot ng isang linggo ABS-CBN News Posted at May 24 2022 11:27 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MANILA – Maaaring matapos sa loob ng isang linggo ang imbestigasyon sa ferry na nasunog malapit sa baybayin ng Real, Quezon nitong Lunes, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG). At least 7 killed in Quezon ferry fire “Hindi ko pa po nakausap yung Marine Casualty Investigation, pero dapat ho, mga isang linggo ay matapos na nila ito para maibigay na kaagad natin sa Department of Transportation,” ani PCG spokesperson Commodore Armand Balilo. Ayon sa opisyal, sinisilip nila ang lahat ng anggulong posibleng pinagmulan ng sunog. “Ang initial na narinig natin, base doon sa deklarasyon ng mga nakausap nating pasahero eh meron silang narinig na pagsabog sa engine room. Pero tinitingnan din natin kasi buhay din naman yung crew na nasa ilalim nung engine room kaya hindi rin maaaring sa engine.” “So lahat po ay titingnan natin at tayo naman po ay nakatutok doon sa investigation, at hawak na rin natin yung kapitan, at anytime yung mga crew naman po ay papatawag na rin natin,” aniya. Dagdag ni Balilo, maaaring maparusahan ang may-ari at crew ng barko, depende sa kalalabasan ng imbestigasyon. “Maaari pong makansela yung prangkisa nila at maaari po silang ma-file-an ng criminal liability kung sakali pong lumabas sa investigation na meron pong kapabayaan, at kung sino man po ito ay dapat ma-file-an ng kaso.” 7 patay, higit 20 sugatan sa barkong nasunog sa Quezon --TeleRadyo, 24 May 2022 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber regional news, tagalog news Read More: Regional news Region real quezon polilio island ship fire philippine coast guard teleradyo PCG fire blaze ship ferry boat accident