Home > News DENR di binantayan ang pagkasira ng mga bundok ng Coron: grupo ABS-CBN News Posted at May 24 2022 10:59 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA—Walang naging pagbabantay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ginawang reclamation sa Coron, Palawan, ayon sa isang grupo. Ayon kay Julito Sarge Sarmiento, legal counsel ng Sagip Coron, lumapit ang kanilang grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa walang pakundangan na pagsira sa Coron, at sinabi umano ni Duterte na ilegal at criminal offense ang isinagawang pagtatambak. Group calls on Duterte to create task force to rehabilitate Coron Ayon naman kay Bob Magallanes, isang volunteer ng Sagip Coron, wala silang ideya sa nangyaring reclamation o paggiba sa mga bundok sa paligid ng Coron kaya nakakagulat na lang ang pagkasira ng mga ito. Maraming maaapektuhan sa ginawang quarrying, hindi lang ang mga may-ari ng mga negosyo sa tabing dagat, kung 'di ang ang mga maliliit at mahihirap na manggagawa ng Coron, ani Marion Raagas, ang convenor ng Sagip Coron. Saad ni Dr. Filipina Sotto, isang marine biologist, kakaunti na ang mga isdang lumalangoy sa paligid ng impacted areas at may mga coral reef na ring natambakan dahil sa reclamation.—SRO, TeleRadyo, Mayo 24, 2022 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, SRO Read More: Coron Palawan Department of Environment and Natural Resources DENR quarrying reclamation Sagip Coron Rodrigo Duterte