PatrolPH

6 timbog sa raid ng umano’y drug den sa Parañaque; hinihinalang shabu nasabat

ABS-CBN News

Posted at May 24 2022 06:37 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Anim ang inaresto sa isang raid sa umano'y drug den sa Parañaque City.

Hinuli ang nga salarin matapos magpositibo ang buy-bust sa police na nagpanggap na poseur-buyer sa Barangay San Dionesio.

Aabot sa 16 na sachet o 60 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P400,000 ang nasabat sa mga suspek.

Nahaharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga salarin. – Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.