Home > News Salvadoran national nahulihan ng P16.5-M cocaine sa NAIA-3 Anna Cerezo, ABS-CBN News Posted at May 23 2023 07:10 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Sinubukang magpuslit umano ng isang lalaking Salvadoran ng higit 3 kilo ng hinihinalang cocaine sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City kahapon. Napag-alaman na galing sa Brazil ang dayuhan at kumuha ng connecting flight sa Qatar patungo ng bansa. Inihalo umano ng lalaki ang 9 na sachet ng hinihinalang cocaine kasama ang ilang piraso ng mga damit sa kanyang hand carry baggage. Ngunit nakita pa din ito nang isalang sa X-ray ng Terminal 3. Nang sitahin nagpakilalang isang electrician umano ang suspek sa El Salvador at una niyang pagkakataon na bumiyahe sa pilipinas. Sinubukan ng ABS-CBN News kunan ng panayam ang suspek pero hindi ito nakakaintindi ng salitang Ingles at Filipino. Nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber tagalog news, teleradyo Read More: cocaine drugs war on drugs NAIA tagalog news teleradyo