Home > News Kasambahay, pumasa sa pagiging guro ABS-CBN News Posted at May 23 2023 03:56 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Kumalat sa social media ang reaksiyon ng isang kasambahay nang malaman niyang pumasa siya sa LET o Licensure Exam for Teachers. Kuwento ni Joan Ramirez, nagtrabaho siya bilang kasambahay sa employer na si Atty. Marianne Grace De Vera-Alandy habang naghihintay ng resulta ng LET. "Habang naghihintay ng resulta napag-isipan kong mag-work muna as kasambahay po. Tapos nakita ko po kasi 'yung post po ni attorney sa Facebook kaya ayun nag-apply ako kaysa nandoon ako sa bahay naghihintay ng resulta, kinakabahan," ani Ramirez sa panayam sa ABS-CBN TeleRadyo. Namamasukan na rin si Ramirez simula noong siya'y Grade 9 tuwing summer break bilang pantustos sa kaniyang pag-aaral. "Para di na ako hihingi kina mama," aniya. Handa naman ang employer ni Ramirez sa kaniyang pag-alis ngayong pumasa na siya sa LET. "Alam ko po na aalis din po siya," ani De Vera-Alandy. "Nung nag-apply po siya sa akin kailangan niya ng work at kailangan niyang suportahan 'yung mga kapatid niyang nag-aaral pa," dagdag niya. Plano ngayon ni Ramirez na mag-apply bilang guro. "Kung palaring makuha, magtuturo po ako. Tapos habang nagtuturo isasabay ko rin po 'yung pagma-masteral ko po," aniya. —TeleRadyo, Mayo 23, 2023 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Tagalog news, TeleRadyo, PatrolPH Read More: Joan Ramirez kasambahay LET