Ilang mga sasakyan, na-tow sa clearing ops ng MMDA

ABS-CBN News

Posted at May 23 2018 10:20 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nagsagawa ng clearing operations ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City, Miyerkoles ng umaga.

Ilang mga sasakyan din ng mga nagsisimba sa St. Peter’s Church ang hinila dahil nakaparada ang mga ito sa sidewalk at mismong gilid ng Commonwealth Avenue.

Binigyan naman ng pagkakataon ang mga sasakyan na may driver sa loob na alisin ang kanilang mga behikulo sa lugar.

Nagsilabasan rin ang ilang nagsisimba para alisin ang kanilang mga sasakyan matapos na mag-anunsiyo ang simbahan.

Nagkaroon pa ng komosyon matapos na makipagtalo ang isang lalaking nagpakilalang dating congressman ng Pampanga na sinita ng MMDA.

Ayon sa MMDA, kailangan nilang gawin ito lalo’t may MRT-7 project sa Commonwealth at mas lumiliit ang daan kaya matrapik sa lugar araw-araw. DZMM, 23 May 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.