170 private schools sa NCR, magtataas ng tuition ngayong 2018

ABS-CBN News

Posted at May 23 2018 09:52 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Inaprubahan ng Department of Education ang application ng 170 private schools sa National Capital Region para magtaas ng matrikula sa school year 2018-2019.

Ang Quezon City ang may pinakamaraming pribadong paaralan na magpapatupad ng tuition hike.

Ayon sa DepEd, mas mababa ang bilang ngayon ng mga paaralan sa NCR na magtataas ng matrikula kumpara noong nakaraang school year.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, dumaan sa tamang proseso ang pag-apruba sa tution hike.

Batay naman sa guidelines ng DepEd dapat mapunta sa mga guro ang 70 porsyento ng pagtaas ng matrikula. DZMM, 23 Mayo, 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.