2 Chinese tiklo sa bodega ng pekeng 'gamot' vs COVID-19

ABS-CBN News

Posted at May 22 2020 04:15 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Inaresto ng pulisya ang 2 Chinese national sa isang bodega ng mga hindi lisensyadong gamot laban umano sa COVID-19 sa Bacoor, Cavite, Biyernes. 

Nasamsam sa warehouse sa Barangay Niog II ang kahon-kahong herbal medicine na walang pahintulot mula sa Food and Drug Administration para iangkat at ibenta. 

Wala pang lunas at bakuna sa COVID-19, bagama't sinusuri ng mga awtoridad ang ilang posibleng gamot, ayon sa World Health Organization. 
 
DZMM, Mayo 22, 2020 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.