PAGASA: Mas madalas na pag-ulan asahan

ABS-CBN News

Posted at May 22 2019 07:47 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Mas dadalas ang mga pag-ulan sa nalalapit na pagtatapos ng tag-init, sinabi ng PAGASA, Miyerkoles. 

"Hindi na po katulad ng nararanasan natin nitong mga nakaraang buwan na sobrang init. Nasa transition period po tayo, ibig sabihin magiging mas madalas na ang mga pag-ulan," ani PAGASA weather forecaster Raymond Ordinario sa panayam ng DZMM. 

"Pero wala pa naman po tayo sa opisyal napagsisimula ng tag-ulan," dagdag niya. 

Makakaranas aniya ng maulap na himpapawid at kalat-kalat na pag-ulan ang Cagayan Valley ngayong Miyerkoles dahil sa frontal system o boundary ng mga air mass na may magkaibang temperatura. 

Asahan naman aniya sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ang maaliwalas na panahon na maaaring maputol ng localized thunderstorms pagdating ng hapon o gabi. 

Wala namang namumuong bagyo sa loob ng Philippine area of responsibility, ani Ordinario. 

Para sa iba pang ulat ukol sa panahon, bisitahin ang ABS-CBN Weather Center

DZMM, 22 Mayo 2019