Home > News MMDA, puspusan ang paghahanda laban sa pagbaha Michael Delizo, ABS-CBN News Posted at May 21 2022 05:27 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC Video from PTV MAYNILA - Puspusan na ang paglilinis ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga estero at kanal para maiwasan ang pagbaha ngayong panahon ng tag-ulan. Ayon kay MMDA General Manager Frisco San Juan, Jr. nitong Sabado, nililinis na ang mga daluyan ng tubig sa Kamaynilaan para masigurong hindi ito barado. “Iyong paglilinis ng ating mga drainage canal… tuloy po ang mga gawaing ito. In fact, kasama na rin po ang pagi-ikot ng ating mga engineer upang makita kung meron pang kailangang bigyan ng pansin," aniya. Idineklara na ng PAGASA ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan, kasunod ng sunod-sunod na araw pagbuhos nitong linggo. PAGASA declares onset of rainy season Share Facebook Twitter LinkedIn Viber MMDA, clogged drainage Read More: MMDA tag-ulan Frisco San Juan Laging Handa rainy season clogged drainage TAGALOG news patrolph