LPA namataan sa silangan ng Batanes

ABS-CBN News

Posted at May 21 2017 11:26 AM

Watch also in iWantTFC

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area sa silangan ng Batanes. 

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni PAGASA meteorologist Samuel Duran na namataan ang sama ng panahon 300 kilometro sa silangan ng bayan ng Basco. 

"Ito pong LPA natin, nakapaloob ito sa tinatawag na 'frontal system' na nakakaapekto naman sa hilagang Luzon," ani Duran. 

Dahil aniya rito, makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Cordillera at Gitnang Luzon. 

Iiral naman ang pulu-pulong pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa. 

Gayunman, ibinahagi ni Duran na mababa ang tsansang maging bagyo ang LPA at posibleng lumabas na ito ng Philippine area of responsibility sa Lunes. 

Para sa iba pang ulat-panaho, bisitahin ang ABS-CBN Weather Center

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.