PatrolPH

Rider na umiwas sa manhole nagulungan ng trak

ABS-CBN News

Posted at May 20 2022 07:36 AM

Watch more News on iWantTFC

Patay ang isang drayber ng motorsiklo matapos magulungan ng trak habang umiiwas sa isang manhole sa Payatas, Quezon City.

Ayon sa ulat, nadulas at nahulog sa daan ang rider habang umiiwas sa manhole sa Payatas Road na saktong pagdaan ng isang dump truck na puno ng buhangin. 

Dead on the spot ang rider matapos siyang magulungan ng trak. 

Nakakulong na ang drayber ng trak na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide. 

ABS-CBN News, May 20, 2022 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.