PatrolPH

Lola patay matapos mahagip ng humaharurot na sasakyan

Anna Cerezo, ABS-CBN News

Posted at May 20 2022 10:52 AM

Watch more News on iWantTFC

Papunta lang sana sa pinagtatrabahuhang canteen ang 68 taong gulang na si Adelaida Leyva ng biglang nabunggo siya ng humaharurot na sasakyan.

Sa CCTV footage na kuha pasado alas 4 ng umaga noong Miyerkules sa panulukan ng Pedro Gil at Onyx Street, makikitang tatawid si Lola Adelaida nang biglang dumating ang isang mabilis na tumatakbong kotse at nahagip ang matandang biktima.
 
Sa bilis ng sasakyan, tumilapon ang biktima mula sa kanto ng naturang mga kalsada papunta sa center island.

Naidala pa ang biktima sa ospital, pero binawian din ng buhay dahil sa mga pinsalang tinamo sa katawan.

Ayon sa driver, hindi niya napansin ang matanda at bigla umanong sumulpot kaya di na niya naiwasan. 

ABS-CBN News, May 20, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.