Mga motorista namataang lumalabag sa 'no backride policy' sa Commonwealth Avenue

ABS-CBN News

Posted at May 20 2020 08:51 AM | Updated as of May 20 2020 09:00 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Namataan ang ilang mga motorista na lumalabag sa no backride policy sa Commonwealth Avenue nitong Miyerkoles ng umaga.

Mapapansin na ang ilang mga driver ay may angkas sa kani-kanilang sasakyan at maaari silang pagmultahin ng Highway Patrol Group ng P5,000.

Ilan din ang mapapansing lumalabag sa polisiya sa IBP Road at EDSA.

--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.