P18-M halaga ng 'shabu', nakuha sa loob ng inabandonang sasakyan

ABS-CBN News

Posted at May 20 2017 10:44 PM | Updated as of May 21 2017 09:41 AM

Watch also in iWantTFC

Tinatayang P18 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob ng isang inabandonang sasakyan sa Bonifacio Global City sa Taguig. Binantayan ng mga operatiba maghapon ang nasabing sasakyan dahil madalas umanong sa mga parking area isinasagawa ang mga ilegal na drug transaction. Nakikipag-ugnayan na ang PNP at PDEA sa Land Transportation Office upang malaman kung kanino nakarehistro ang kotse. Nagpa-Patrol, Bianca Dava. TV Patrol, Sabado, 20 Mayo 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.