PatrolPH

Tone-toneladang bangus, tilapia, atbp patay sa fish kill sa Obando

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at May 19 2022 07:33 AM

Watch more News on iWantTFC

Labis ang panghihinayang ng mga mangingisda matapos tamaan ng fish kill ang kanilang mga palaisdaan sa Barangay Tawiran, Obando, Bulacan.

Iba't ibang klase ng patay na isda ang simula noong Lunes ay naglulutangan dito sa Tawiran Lake.

Ayon sa mga mangingisda, ilan sa mga namatay ay mga bangus, tilapia, arroyo, na halos dalawang buwan nilang inalagaan. 

Karaniwan ay kumikita sila dapat ng P3000 kada banyera pero nawala parang bula ang ilang buwang pinagpaguran at pamumuhunan ng feeds dahil napilitan na lamang sila na itapon ang karamihan sa mga namatay nilang isda.

ABS-CBN News, May 19, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.